Join us on a literary world trip!
Add this book to bookshelf
Grey
Write a new comment Default profile 50px
Grey
Subscribe to read the full book or read the first pages for free!
All characters reduced
Gusto Kong Matulog Sa Sarili Kong Kama I Love to Sleep in My Own Bed - cover

Gusto Kong Matulog Sa Sarili Kong Kama I Love to Sleep in My Own Bed

Shelley Admont, KidKiddos Books

Publisher: KidKiddos Books

  • 0
  • 0
  • 0

Summary

Ang nakakatuwang aklat ng kwentong pambata na ito ay tungkol sa isang batang kuneho, si Jimmy. Ayaw matulog ni Jimmy sa kanyang sariling kama. Gabi-gabi siyang tumatakas at lumilipat sa kwarto ng kanyang nanay at tatay kuneho. Hanggang sa may hindi inaasahang pangyayari isang gabi…Ang kwentong ito ay lubos na kalulugdan ng mga bata kapag binasa sa kanila bago matulog, maari din ito sa buong pamilya. Para sa mga bata at gustong maging bata. Maaring basahin ng malakas sa mga bata o kaya ay ibigay sa mga batang marunong ng magbasa para magamit nila sa pag-aaral.
Available since: 02/27/2023.
Print length: 34 pages.

Other books that might interest you

  • Gusto Kong Magsabi Ng Totoo - cover

    Gusto Kong Magsabi Ng Totoo

    Shelley Admont, KidKiddos Books

    • 0
    • 0
    • 0
    Si Jimmy, ang munting kuneho, ay nasa bingit ng kapahamakan. Aksidente niyang nasira ang mga paboritong bulaklak ng kanyang nanay. Makakatulong ba kung magsisinungaling siya? O mas makabubuting sabihin ang katotohanan at lutasin ang problema sa ibang paraan? Tulungang maging matapat ang inyong mga anak sa nakakatuwang pambatang aklat na ito.
    Show book
  • Ang Mga Gulong Karera ng Pagkakaibigan The Wheels The Friendship Race - cover

    Ang Mga Gulong Karera ng...

    Inna Nusinsky, KidKiddos Books

    • 0
    • 0
    • 0
    Ano ang pagkakaibigan? Samahan ang tatlong mabuting magkakaibigan sa pagtuklas kung ano ang tunay na kahulugan ng pagkakaibigan. Nagsimula sila sa isang karera, pero nagdesisyon silang tapusin ito nang sama-sama sa pagtulong sa isang kaibigang nagkaroon ng problema. Tuturuan ng aklat na ito ang mga bata tungkol sa positibong kasanayahan sa pakikipagkaibigan katulad ng pagbabahagi, pagsuporta, at pagtulong sa isa’t isa.
    Show book
  • Ang Panaginip ni Amanda Amanda’s Dream - cover

    Ang Panaginip ni Amanda Amanda’s...

    Shelley Admont, KidKiddos Books

    • 0
    • 0
    • 0
    Sa pambatang-librong ito, iyong makikilala si Amanda, isang batang babae na maraming kailangang matutunan tungkol sa pagsisikap at kung paano maisasakatuparan ang kanyang mga panaginip. Samahan si Amanda sa kanyang kamangha-manghang paglalakbay, at matuto kasama niya kung paano matagpuan ang iyong layunin at maisakatuparan ito. Makikita mo siyang humarap sa mga pagsubok nguni’t hindi kailanman susuko sa kanyang landas ng pagtupad sa kanyang layunin. “Ang Panaginip ni Amanda” ay isang nakakaganyak na libro para sa mga bata at mga magulang nila. Ito ang unang libro sa isang koleksyon ng maiikling nakakaganyak na mga kuwento na makakatulong sa iyong mga anak na malinang ang mga kasanayan at mga prinsipyo upang makamit ang isang masaya, makabuluhan at matagumpay na buhay.
    Show book
  • Nagpapasalamat Ako - cover

    Nagpapasalamat Ako

    Shelley Admont, KidKiddos Books

    • 0
    • 0
    • 0
    “Nagpapasalamat Ako” ay nagpapakita kung gaano kadaling magpasalamat sa lahat sa ating buhay, kahit sa mga maliliit na bagay. Mula sa paggising sa umaga, sa pag-eenjoy sa init ng araw, hanggang sa pagtulog muli at pagyakap sa iyong paboritong teddy bear. Laging may bagay na mapagpapasalamatan.
    Show book
  • Gusto Kong Magbigay I Love to Share - cover

    Gusto Kong Magbigay I Love to Share

    Shelley Admont, KidKiddos Books

    • 0
    • 0
    • 0
    Gustong maglaro nina Jimmy at ng dalawa niyang kuya, at kaarawan noon ni Jimmy, kaya napakarami niyang laruan. Ngunit ayaw niyang magbigay , at dahil doon hindi siya naging masaya sa paglalaro ng mag-isa. Tara na’t alamin kung ano ang kahulugan ng pagbibigayan at kung bakit napakasarap nito sa pakiramdam.
    Show book
  • Mahal Ko ang Tatay Ko I Love My Dad - cover

    Mahal Ko ang Tatay Ko I Love My Dad

    Shelley Admont, KidKiddos Books

    • 0
    • 0
    • 0
    Si Jimmy ang maliit na kuneho ay hindi marunong magbisikleta ng dalawang gulong gaya ng kanyang mga kuya. Sa katunayan, kinakantiyawan siya dahil dito. Nang pinayo ni Tatay na huwag matakot sumubok, doon nagsimula ang kasayahan.
    Show book