Join us on a literary world trip!
Add this book to bookshelf
Grey
Write a new comment Default profile 50px
Grey
Subscribe to read the full book or read the first pages for free!
All characters reduced
Ang Uod na Manlalakbay The traveling caterpillar - cover

Ang Uod na Manlalakbay The traveling caterpillar

Rayne Coshav, KidKiddos Books

Publisher: KidKiddos Books

  • 0
  • 1
  • 0

Summary

Ang kwentong ito ay tungkol sa isang uod na hindi sinasadyang nakipagsapalaran at naglakbay palayo sa kanyang tahanan sa kagubatan. Nagkaroon siya ng kapana-panabik na karanasan, tumikim ng mga bagong pagkain, at naglibot sa mga bagong lugar. Ngunit sa huli, siya ay napakasayang nakauwi pabalik sa kanyang pamilya.
Available since: 02/27/2023.
Print length: 34 pages.

Other books that might interest you

  • Ang Panaginip ni Amanda - cover

    Ang Panaginip ni Amanda

    Shelley Admont, KidKiddos Books

    • 0
    • 0
    • 0
    Sa pambatang-librong ito, iyong makikilala si Amanda, isang batang babae na maraming kailangang matutunan tungkol sa pagsisikap at kung paano maisasakatuparan ang kanyang mga panaginip. Samahan si Amanda sa kanyang kamangha-manghang paglalakbay, at matuto kasama niya kung paano matagpuan ang iyong layunin at maisakatuparan ito. Makikita mo siyang humarap sa mga pagsubok nguni’t hindi kailanman susuko sa kanyang landas ng pagtupad sa kanyang layunin. “Ang Panaginip ni Amanda” ay isang nakakaganyak na libro para sa mga bata at mga magulang nila. Ito ang unang libro sa isang koleksyon ng maiikling nakakaganyak na mga kuwento na makakatulong sa iyong mga anak na malinang ang mga kasanayan at mga prinsipyo upang makamit ang isang masaya, makabuluhan at matagumpay na buhay.
    Show book
  • Ang Mga Gulong Karera ng Pagkakaibigan The Wheels The Friendship Race - cover

    Ang Mga Gulong Karera ng...

    Inna Nusinsky, KidKiddos Books

    • 0
    • 0
    • 0
    Ano ang pagkakaibigan? Samahan ang tatlong mabuting magkakaibigan sa pagtuklas kung ano ang tunay na kahulugan ng pagkakaibigan. Nagsimula sila sa isang karera, pero nagdesisyon silang tapusin ito nang sama-sama sa pagtulong sa isang kaibigang nagkaroon ng problema. Tuturuan ng aklat na ito ang mga bata tungkol sa positibong kasanayahan sa pakikipagkaibigan katulad ng pagbabahagi, pagsuporta, at pagtulong sa isa’t isa.
    Show book
  • Sa Ilalim ng mga Bituin - cover

    Sa Ilalim ng mga Bituin

    Sam Sagolski, KidKiddos Books

    • 0
    • 0
    • 0
    Bakasyon na naman at naghahangad si Mark na magkaroon ng malaking pakikipagsapalaran! Ngunit nang sinabi ng kanyang Nanay at Tatay na pupunta sila sa isang camping trip, natakot siya. Makakaya kayang labanan ni Mark ang takot niya sa dilim at magagawa kaya niyang maging masaya sa kanilang paglalakbay?
    Show book
  • Gusto Kong Magsabi Ng Totoo - cover

    Gusto Kong Magsabi Ng Totoo

    Shelley Admont, KidKiddos Books

    • 0
    • 0
    • 0
    Si Jimmy, ang munting kuneho, ay nasa bingit ng kapahamakan. Aksidente niyang nasira ang mga paboritong bulaklak ng kanyang nanay. Makakatulong ba kung magsisinungaling siya? O mas makabubuting sabihin ang katotohanan at lutasin ang problema sa ibang paraan? Tulungang maging matapat ang inyong mga anak sa nakakatuwang pambatang aklat na ito.
    Show book
  • Gusto Ko ang Taglagas I Love Autumn - cover

    Gusto Ko ang Taglagas I Love Autumn

    Shelley Admont, KidKiddos Books

    • 0
    • 0
    • 0
    Sa pambatang librong ito, si Jimmy, ang munting kuneho, ay ginagalugad ang taglagas, ang kanyang paboritong panahon. Natutuwa siyang nasa labas at naglalaro ng makukulay na mga dahon. Nang magsimulang umulan, siya at ang kanyang pamilya ay nakatuklas ng mga kawili-wiling gagawin sa bahay. Pinagsaluhan nila ang isang napakagandang araw nang magkakasama, ano pa man ang panahon.
    Show book
  • Gusto Kong Kumain ng mga Prutas at Gulay - cover

    Gusto Kong Kumain ng mga Prutas...

    Shelley Admont, KidKiddos Books

    • 0
    • 0
    • 0
    Mahilig kumain ng kendi si Jimmy, ang maliit na kuneho. Kumukupit siya ng kendi mula sa supot na nakatago sa aparador ng kanilang kusina. Ano ang mangyayari pagkaraang akyatin ni Jimmy ang aparador para kumuha ng kendi? Malalaman mo ang sagot kapag binasa mo ang librong ito. Simula noon, natuto na siyang kumain ng masustansiyang pagkain at nagustuhang kumain ng prutas at gulay.
    Show book