Junte-se a nós em uma viagem ao mundo dos livros!
Adicionar este livro à prateleira
Grey
Deixe um novo comentário Default profile 50px
Grey
Assine para ler o livro completo ou leia as primeiras páginas de graça!
All characters reduced
Masarap na Pagtulog Mahal Ko! Sweet Dreams My Love! - cover
LER

Masarap na Pagtulog Mahal Ko! Sweet Dreams My Love!

Shelley Admont, KidKiddos Books

Editora: KidKiddos Books

  • 0
  • 0
  • 0

Sinopse

Oras na ng pagtulog, subalit ayaw pa ni Alice. Sa pagbabalik-tanaw sa kanyang mga nakagawian sa pagtulog, pinakalma ni Nanay ang kanyang anak sa pamamagitan ng pagpapaalala ng lahat ng magagandang bagay na ginawa nila sa gabing iyon. Isinulat sa isang malumanay at panatag na pamamaraan, ang aklat na ito ay nagpapakita ng magiliw at mapagmahal na ugnayan ni Alice at ng kanyang ina, habang inihahanda ang mga batang mambabasa para sa isang masarap na pagtulog.
Disponível desde: 27/02/2023.
Comprimento de impressão: 34 páginas.

Outros livros que poderiam interessá-lo

  • Ang Panaginip ni Amanda - cover

    Ang Panaginip ni Amanda

    Shelley Admont, KidKiddos Books

    • 0
    • 0
    • 0
    Sa pambatang-librong ito, iyong makikilala si Amanda, isang batang babae na maraming kailangang matutunan tungkol sa pagsisikap at kung paano maisasakatuparan ang kanyang mga panaginip. Samahan si Amanda sa kanyang kamangha-manghang paglalakbay, at matuto kasama niya kung paano matagpuan ang iyong layunin at maisakatuparan ito. Makikita mo siyang humarap sa mga pagsubok nguni’t hindi kailanman susuko sa kanyang landas ng pagtupad sa kanyang layunin. “Ang Panaginip ni Amanda” ay isang nakakaganyak na libro para sa mga bata at mga magulang nila. Ito ang unang libro sa isang koleksyon ng maiikling nakakaganyak na mga kuwento na makakatulong sa iyong mga anak na malinang ang mga kasanayan at mga prinsipyo upang makamit ang isang masaya, makabuluhan at matagumpay na buhay.
    Ver livro
  • Gusto Kong Magbigay I Love to Share - cover

    Gusto Kong Magbigay I Love to Share

    Shelley Admont, KidKiddos Books

    • 0
    • 0
    • 0
    Gustong maglaro nina Jimmy at ng dalawa niyang kuya, at kaarawan noon ni Jimmy, kaya napakarami niyang laruan. Ngunit ayaw niyang magbigay , at dahil doon hindi siya naging masaya sa paglalaro ng mag-isa. Tara na’t alamin kung ano ang kahulugan ng pagbibigayan at kung bakit napakasarap nito sa pakiramdam.
    Ver livro
  • Ang Uod na Manlalakbay The traveling caterpillar - cover

    Ang Uod na Manlalakbay The...

    Rayne Coshav, KidKiddos Books

    • 0
    • 1
    • 0
    Ang kwentong ito ay tungkol sa isang uod na hindi sinasadyang nakipagsapalaran at naglakbay palayo sa kanyang tahanan sa kagubatan. Nagkaroon siya ng kapana-panabik na karanasan, tumikim ng mga bagong pagkain, at naglibot sa mga bagong lugar. Ngunit sa huli, siya ay napakasayang nakauwi pabalik sa kanyang pamilya.
    Ver livro
  • Ang Nakamamanghang Araw - cover

    Ang Nakamamanghang Araw

    Sam Sagolski, KidKiddos Books

    • 0
    • 0
    • 0
    Ang aklat na ito ay tungkol sa pasasalamat at nagtuturo sa mga bata na matanaw ang mabuti sa lahat ng bagay. Ibinahagi ni Danny sa kanyang tatay ang kanyang araw at ikinwento ang lahat ng nangyari. Bagama’t hindi sumang-ayon ang araw ni danny sa kanyang plano, nagawa niya pa ring maging masaya. Ipinapahiwatig nito na, maaari kang makatagpo ng magandang bagay sa lahat ng hindi magandang sitwasyon na maaari mong ipagpasalamat.
    Ver livro
  • Maglaro tayo Ina! Let’s Play Mom! - cover

    Maglaro tayo Ina! Let’s Play Mom!

    Shelley Admont, KidKiddos Books

    • 0
    • 0
    • 0
    Isang nakaka-antig na kuwento mula sa isang batang nasa unang baytang, isang batang babae na nakahanap ng paraan upang pasayahin ang kanyang ina at pangitiin ito. Walang anumang mas hihigit kaysa sa oras na ginugugol sa isa’t isa. Ang kuwentong pambata na ito ay mayroong mensahe sa mga bata at sa mga magulang din, tinuturuan ang mga bata ng pagkahabag at pagiging malikhain, samantalang pinaaalalahanan ang mga magulang ng halaga ng kalidad na panahon kasama ang kanilang mga anak.
    Ver livro
  • Nagpapasalamat Ako - cover

    Nagpapasalamat Ako

    Shelley Admont, KidKiddos Books

    • 0
    • 0
    • 0
    “Nagpapasalamat Ako” ay nagpapakita kung gaano kadaling magpasalamat sa lahat sa ating buhay, kahit sa mga maliliit na bagay. Mula sa paggising sa umaga, sa pag-eenjoy sa init ng araw, hanggang sa pagtulog muli at pagyakap sa iyong paboritong teddy bear. Laging may bagay na mapagpapasalamatan.
    Ver livro