¡Acompáñanos a viajar por el mundo de los libros!
Añadir este libro a la estantería
Grey
Escribe un nuevo comentario Default profile 50px
Grey
Suscríbete para leer el libro completo o lee las primeras páginas gratis.
All characters reduced
Gusto Kong Tumulong I Love to Help - cover

Gusto Kong Tumulong I Love to Help

Shelley Admont, KidKiddos Books

Editorial: KidKiddos Books

  • 0
  • 0
  • 0

Sinopsis

Jimmy isang maliit na kuneho na nagpunta sa dagat kasama ang pamilya. Kung saan natuto siya ng kahalagahan ng pakikipagtulungan sa iba. Nang ang kastilyong gawa sa buhangin ni Jimmy ay nasira ng alon, nagtulungan silang lahat para makabuo ng malaki at mas maganda kaysa sa una niyang ginawa. Lahat ay naging mas maayos noong kami ay nagtulungan.
Disponible desde: 27/02/2023.
Longitud de impresión: 34 páginas.

Otros libros que te pueden interesar

  • Masarap na Pagtulog Mahal Ko! - cover

    Masarap na Pagtulog Mahal Ko!

    Shelley Admont, KidKiddos Books

    • 0
    • 0
    • 0
    Oras na ng pagtulog, subalit ayaw pa ni Alice. Sa pagbabalik-tanaw sa kanyang mga nakagawian sa pagtulog, pinakalma ni Nanay ang kanyang anak sa pamamagitan ng pagpapaalala ng lahat ng magagandang bagay na ginawa nila sa gabing iyon. Isinulat sa isang malumanay at panatag na pamamaraan, ang aklat na ito ay nagpapakita ng magiliw at mapagmahal na ugnayan ni Alice at ng kanyang ina, habang inihahanda ang mga batang mambabasa para sa isang masarap na pagtulog.
    Ver libro
  • Ang Aking Nanay ay Kamangha-mangha My Mom is Awesome - cover

    Ang Aking Nanay ay...

    Shelley Admont, KidKiddos Books

    • 0
    • 0
    • 0
    Sa nakakaantig na istoryang ito, inilarawan ng isang batang babae kung paano naging kamangha-mangha ang kanyang nanay. Masusubaybayan natin siya sa kanyang buong araw na may pagmamahal at pagmamalaki sa kanyang nanay.Naiintindihan ng nanay niya ang nararamdaman niya at lagi niya itong tinutulungan sa kahit na anong problema. Kaya ng nanay niya na gawin ang pinakakumplikadong tirintas at kaya niyang ituro sa kanya ang mga praksyon. Kaya din siyang gisingin ng nanay niya at yakapin ng mahigpit kapag nalulungkot siya.Sa nakakatuwang mga guhit at ang mensaheng makakaugnay ang lahat, isa itong perpektong aklat para sa mga bata at nanay.
    Ver libro
  • Sa Ilalim ng mga Bituin - cover

    Sa Ilalim ng mga Bituin

    Sam Sagolski, KidKiddos Books

    • 0
    • 0
    • 0
    Bakasyon na naman at naghahangad si Mark na magkaroon ng malaking pakikipagsapalaran! Ngunit nang sinabi ng kanyang Nanay at Tatay na pupunta sila sa isang camping trip, natakot siya. Makakaya kayang labanan ni Mark ang takot niya sa dilim at magagawa kaya niyang maging masaya sa kanilang paglalakbay?
    Ver libro
  • Ang Nakamamanghang Araw A Wonderful Day - cover

    Ang Nakamamanghang Araw A...

    Sam Sagolski, KidKiddos Books

    • 0
    • 0
    • 0
    Ang aklat na ito ay tungkol sa pasasalamat at nagtuturo sa mga bata na matanaw ang mabuti sa lahat ng bagay. Ibinahagi ni Danny sa kanyang tatay ang kanyang araw at ikinwento ang lahat ng nangyari. Bagama’t hindi sumang-ayon ang araw ni danny sa kanyang plano, nagawa niya pa ring maging masaya. Ipinapahiwatig nito na, maaari kang makatagpo ng magandang bagay sa lahat ng hindi magandang sitwasyon na maaari mong ipagpasalamat.
    Ver libro
  • Si Amanda at ang Lumipas na Oras - cover

    Si Amanda at ang Lumipas na Oras

    Shelley Admont, KidKiddos Books

    • 0
    • 0
    • 0
    Sa kwentong pambata na ito, makikilala mo si Amanda na mahilig magsayang ng kanyang oras. Ngunit isang araw, may kakaiba at mahiwagang pangyayari siyang naranasan na nagturo sa kanya na ang oras ang pinakamahalagang bagay na mayroon tayo—at kapag ito ay lumipas, hindi na natin ito muling maibabalik. Upang mahanap ang kanyang lumipas na oras, naglakbay si Amanda at natutunuan niyang gamitin nang wasto ang kanyang oras.
    Ver libro
  • Gusto Ko ang Taglagas I Love Autumn - cover

    Gusto Ko ang Taglagas I Love Autumn

    Shelley Admont, KidKiddos Books

    • 0
    • 0
    • 0
    Sa pambatang librong ito, si Jimmy, ang munting kuneho, ay ginagalugad ang taglagas, ang kanyang paboritong panahon. Natutuwa siyang nasa labas at naglalaro ng makukulay na mga dahon. Nang magsimulang umulan, siya at ang kanyang pamilya ay nakatuklas ng mga kawili-wiling gagawin sa bahay. Pinagsaluhan nila ang isang napakagandang araw nang magkakasama, ano pa man ang panahon.
    Ver libro