Rejoignez-nous pour un voyage dans le monde des livres!
Ajouter ce livre à l'électronique
Grey
Ecrivez un nouveau commentaire Default profile 50px
Grey
Abonnez-vous pour lire le livre complet ou lisez les premières pages gratuitement!
All characters reduced
Gustong-gusto ko Magsipilyo I Love to Brush My Teeth - cover

Gustong-gusto ko Magsipilyo I Love to Brush My Teeth

Shelley Admont, KidKiddos Books

Maison d'édition: KidKiddos Books

  • 0
  • 0
  • 0

Synopsis

Ang munting si Jimmy ay hindi nais na magsipilyo ng kanyang mga ngipin. Kahit na binigyan siya ng kanyang Inay ng isang bagong sepilyong kulay kahel, ang paborito niyang kulay, hindi niya ito ginagamit sa kung ano ang dapat. Ngunit nang mag-umpisang mangyari ang hindi inaasahan at mahiwagang bagay sa munting si Jimmy, napagtanto niya kung gaano kahalaga ang pagsisipilyo ng kanyang mga ngipin.
Disponible depuis: 27/02/2023.
Longueur d'impression: 34 pages.

D'autres livres qui pourraient vous intéresser

  • Ang Panaginip ni Amanda - cover

    Ang Panaginip ni Amanda

    Shelley Admont, KidKiddos Books

    • 0
    • 0
    • 0
    Sa pambatang-librong ito, iyong makikilala si Amanda, isang batang babae na maraming kailangang matutunan tungkol sa pagsisikap at kung paano maisasakatuparan ang kanyang mga panaginip. Samahan si Amanda sa kanyang kamangha-manghang paglalakbay, at matuto kasama niya kung paano matagpuan ang iyong layunin at maisakatuparan ito. Makikita mo siyang humarap sa mga pagsubok nguni’t hindi kailanman susuko sa kanyang landas ng pagtupad sa kanyang layunin. “Ang Panaginip ni Amanda” ay isang nakakaganyak na libro para sa mga bata at mga magulang nila. Ito ang unang libro sa isang koleksyon ng maiikling nakakaganyak na mga kuwento na makakatulong sa iyong mga anak na malinang ang mga kasanayan at mga prinsipyo upang makamit ang isang masaya, makabuluhan at matagumpay na buhay.
    Voir livre
  • Gusto Ko ang Taglagas I Love Autumn - cover

    Gusto Ko ang Taglagas I Love Autumn

    Shelley Admont, KidKiddos Books

    • 0
    • 0
    • 0
    Sa pambatang librong ito, si Jimmy, ang munting kuneho, ay ginagalugad ang taglagas, ang kanyang paboritong panahon. Natutuwa siyang nasa labas at naglalaro ng makukulay na mga dahon. Nang magsimulang umulan, siya at ang kanyang pamilya ay nakatuklas ng mga kawili-wiling gagawin sa bahay. Pinagsaluhan nila ang isang napakagandang araw nang magkakasama, ano pa man ang panahon.
    Voir livre
  • Pagiging Superhero - cover

    Pagiging Superhero

    Liz Shmuilov, KidKiddos Books

    • 0
    • 0
    • 0
    Maraming bata ang nangangarap na maging mga superhero. Sa librong-pambatang ito, tinahak ni Ron at ng kanyang matalik na kaibigang si Maya ang isang nakakaaliw na karanasan upang maging mga bayani. Natutunan nila ang mahahalagang tuntunin ng isang superhero na nakatulong sa kanila upang mapagtagumpayan ang kanilang unang misyon. Magkasama nilang tinulungan ang kapatid ni Maya, habang natuto ng mga bagong kaalaman tungkol sa kanilang mga sarili. Gusto mo rin bang maging isang superhero?
    Voir livre
  • Gusto Kong Magbigay I Love to Share - cover

    Gusto Kong Magbigay I Love to Share

    Shelley Admont, KidKiddos Books

    • 0
    • 0
    • 0
    Gustong maglaro nina Jimmy at ng dalawa niyang kuya, at kaarawan noon ni Jimmy, kaya napakarami niyang laruan. Ngunit ayaw niyang magbigay , at dahil doon hindi siya naging masaya sa paglalaro ng mag-isa. Tara na’t alamin kung ano ang kahulugan ng pagbibigayan at kung bakit napakasarap nito sa pakiramdam.
    Voir livre
  • Ang Mga Gulong Karera ng Pagkakaibigan The Wheels The Friendship Race - cover

    Ang Mga Gulong Karera ng...

    Inna Nusinsky, KidKiddos Books

    • 0
    • 0
    • 0
    Ano ang pagkakaibigan? Samahan ang tatlong mabuting magkakaibigan sa pagtuklas kung ano ang tunay na kahulugan ng pagkakaibigan. Nagsimula sila sa isang karera, pero nagdesisyon silang tapusin ito nang sama-sama sa pagtulong sa isang kaibigang nagkaroon ng problema. Tuturuan ng aklat na ito ang mga bata tungkol sa positibong kasanayahan sa pakikipagkaibigan katulad ng pagbabahagi, pagsuporta, at pagtulong sa isa’t isa.
    Voir livre
  • Gusto Kong Kumain ng mga Prutas at Gulay I Love to Eat Fruits and Vegetables - cover

    Gusto Kong Kumain ng mga Prutas...

    Shelley Admont, KidKiddos Books

    • 0
    • 0
    • 0
    Mahilig kumain ng kendi si Jimmy, ang maliit na kuneho. Kumukupit siya ng kendi mula sa supot na nakatago sa aparador ng kanilang kusina. Ano ang mangyayari pagkaraang akyatin ni Jimmy ang aparador para kumuha ng kendi? Malalaman mo ang sagot kapag binasa mo ang librong ito. Simula noon, natuto na siyang kumain ng masustansiyang pagkain at nagustuhang kumain ng prutas at gulay.
    Voir livre